Tayong mga
estudyante ay pumupunta sa paaralan para
maraming matutunan . Itong gagawin kong blog ay para sa mga natutunan
kong aralin sa aming asignatura na
Filipino, kaya magsimula tayo sa Yunit 1. Ang yunit 1 ay tungkol sa MGA KONSEPTONG PANGWIKA. Sa yunit
na ito ay may apat na aralin, magsimula tayo sa aralin 1,ang aralin 1
ay tungkol sa WIKA, KOMUNIKASYON AT WIKANG PAMBANSA , natutukoy dito ang mga
kahulugan nga mga konseptong pangwika, naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa
sariling kaalaman,panana,at mga karanasan.WIKA
alam natin na ang wika ay pinakamahalaga sa atin at sa ating lipunan.Malaki ang
tungkulin ng wika sa pakikipag-unawaan at pakikisalimuha ng tao sa kaniyang
tahanan,paaralan,pamayanan,at lipunan.Ito pala ay isang Sistema na binubuo ng
mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang
nais nating ipabatid sa ibang tao.
May
LIMANG DALUYAN NGA PAGPAPAKAHULUGAN, ito ay ang SIMBOLO,TUNOG,KODIPIKADONG
PAGSULAT,GALAW at ang KILOS.Bigyan natin ito ng halaga at mas importante na may
malaking kalaaman tayo tungkol sa mga ito.Mayroon
ding 6 na GAMIT NA WIKA, ang GAMIT SA TALASTASAN,LUMILINANG NG PAGKATUTO, SAKSI
SA PANLIPUNANG PAGKILOS,LALAGYAN O IMBAKAN,TAGPAGSIWALAT NG DAMDAMIN AT ang
panghuli naman ay GAMIT SA IMAHINATIBONG PAGSULAT.Mahalaga
ang gamit ng mga wika dahil mismo ang wika ang pinakamahalagang sangkap at
ugnayan sa pakikipagkapwa-tao..Sa
Yunit na ito mayroon din itong, KATEGORYA AT KAANTASAN NG WIKA, nahahati ito sa
dalawang kategorya: pormal at di pormal. Ang PORMAL ay kinikilala at ginagamit
ng higit na nakakarami, ang DI-PORMAL naman ay karaniwang ginagamit sa akdang
pampanitikan.Maswerte akong nalaman ko rin ang mga antas ng wika dahil
madalasan ko tong ginagamit higit pa na may kaalaman na ako tungkol dito.
| KOMUNIKASYON |
Matapos
na tayo sa wika punta naman tayo sa
ito ay
nagpapahayag,paghahatid o pagbibigay impormasyon sa mabisang paraan, proseso din ito nga pagbibgay at pag
tanggap.Kung may antas nga wika, may tinatawag din tayong ANTAS NG KOMUNIKASYON
, ito ang INTRAPERSONAL(komunikasyon sa sarili),INTERPERSONAL(komunikasyon
pagitan sa dalawa) AT ORGANISASYONAL (komunikasyon sa loob nga organisasyon).
Mayroon ding MODELO ANG KOMUNIKASYON , ito ang tagapagdala (sender) tsanel
(channel)mensahe
(message) tagatanggap(receiver) reaksiyon (feedback)
Mayroon
ding TATLONG URI NG KOMUNIKASYON, ito yung KOMUNIKASYONG PAGBIGKAS,
KOMUNIKASYONG PASULAT AT PAKIKIPAGTALASTASAN SA PAMAMAGITAN NG KOMPYUTER. Lahat
ito ay natutunan ko sa Yunit 1 matapos nito marami nang tanong na umaaligid sa
ispi ko, Paano kung walang wika? Paano magkakaunawaan ang mga tao sa isang
lipunan? Paano magkakaunawaan ang bawat miyembro ng pamilya? Mapabibilis kaya
ang pag-unlad ng komunikasyon? Napapaisip ako na mahalaga talaga ang wika
at komunikasyon at ang mga kahulugan nito.
Matapos na tayo sa Aralin 1 sa Yunit 1 pumunta naman tayo sa Aralin 2 na nag
lalaman ng UNANG WIKA,BILINGGUWALISMO,AT MULTILINGGUWALISMO SA KONTEKSTONG
PILIPINO. Natutukoy ang mga pag-aaral na tumatalakay sa kahalagahan ng paggamit
ng unang wika.Isang lingguwiastikong realidadang pagkakaron ng maraming wika.
Sa madaling salita, realidad ang tinatawg na multilingguwalismo sa ating bansa.Ang
wikang Filipino ay binubuo ng marmaing wika mula sa kasalong wika (binisaya,Iloko,Kapangpangan
at iba pa). UNANG YUGTO NG WIKANG TAGALOG (TAGALOG-1) unang
pinangalanang wikang pambansa noong 1935. IKALAWANG YUGTO NG WIKANG TAGALOG
(TAGALOG-2) unang ginawang pang-akademikong asignatura noong 1940.Mabuti nang
may kaalaman tayo kung saan galing ang wika at kalian ito na obserba, malalaman
din natin ang mga iba’t ibang gamit sa iba’t ibang bansa.Pumunta naman tayo sa
ARALIN 3 na nagalalaman ng LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD AT URI NG WIKA.Dito
ko rin naunawaanang pag-iral ng lingguwistikong komunidad at dito naglalaman
ang konsepto ng sosyolek,idyolek,diyalekto,at rehistro ng wika.Naglalaman din
ito ng MGA SALIK SA LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD, ito ang MAY KAISAHAN SA PAGGAMIT
NGWIKA AT NAIBABAHAGI ITO SA IBA,pangalawa ang NAKAPAGBABAHAGIAT MALAY ANG
KASAPI SA TUNTUNIN NG WIKA AT INTERPRETASYON NITO at ang panghuli naman ayang
MAY KAISAHAN SA PAGPAPAHALAGAAT PALAGAY HINGGIL SA GAMIT NG WIKA..
Ipinapalagay nito na ang lingguwistikong komunidad ay umiiral lamang sa sector
at grupo (homogeneous) Mga halimbawa nito ay SEKTOR, GRUPONG PORMAL, GRUPONG
IMPORMAL, YUNIT. Sa
aralin din na ito mayroon din tayong tinatawas na SOSYOLEK ginagamit sa isang
pangkat at ang IDYOLEK naman ay espesipikong paraan sa pagsasalita, tapos ang
DIYALEKTO naman ang pangunahing na nagbabago at ang panghuli ay ang rehistro
ito ang ginagamit na wika ng inhinyero.Sa
mga naalala ko hanggang diyan lang ang aralin 3, pumunta nman tayo sa ARALIN 4
ang huling aralin dito sa YUNIT 1.
Ang
Aralin 4 ay nagalaman ng KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA AT TANG FILIPINO BILANG
WIKANG GLOBAL, dito nagbibigay opinyon o pananaw kaugnay ng mga napakinggang
pagtatalakay sa wikang pambansa, nalaman ko din dito ang kasalukuyang hamon ng
wikang Filipino dulot ng reporma sa edukasyon.. Sa aralin
na ito tinalakay naming ang UGNAYANG WIKA, KASAYSAYAN, AT LIPUNAN pati na rin
ang KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA. Sa aralin na ito dito natitiyak ang mga
sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang
pambansa, at diyan nagtatapos an gating ARALIN 4.
Dito
na tayo sa YUNIT 2 na naglalaman nang MGA
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN. Sa yunit na ito , naglalaman ng 6 na Aralin, syempre
mangunguna tayo sa ARALIN 1 ito’y tungkol sa BILANG INSTRUMENTO natatalakay
dito ang gamit ng Filipino sa patalastas at paghahayag ng saloobin, at nawiwili
sa pagbuo ng patalastas na nagtatampok sa mga pagpapahalaga.
Ang
pagpapahayag ng damdamin,direktang pag-utos at pagtuturo ay maituturing nating
instrumental.Isa sa mga halimbawa ng instrumental ang LOKUSYONARYO, ILOKUSYUNARYO
at PERLUKOSYUNARYO, meron din tayo niyan sa English subject at tinatawag itong
speech acts.
Tapos
ang ARALIN 2 naman na nagbabahagi ng REGULATORYO, dito nauunawaan ang bias ng
wika sa regulatoryong pangkomunikasyon, ito ay nagtatakda, nag-uutos,nagbibigay-direksiyon
sa atin bilang kasapi. May tatlong klasipikasyon ng wika ayon sa regulatoryong
bisa ito BERBAL, NASUSULAT NAKALIMBAG AT BISWAL, at ang DI-NASUSULAT NA
TRADISYON.Mayroon
din ilang halimbawa ng regulasyon o ito’y tinatawag nating batas. Ito ang
KONSTITUSYON, BATAS REPUBLIKA,ORDINANSA,POLISIYA AT PATAKARAN NG REGULASYON.
Masasabi kong hanggang diyan lang ang ARALIN 2.
Dumiretso naman tayo sa ARALIN
3. Ang ARALIN 3 ay tungkol sa INTERAKSIYONAL, natutukoy dito ang mga berbalat
di-berbal na pahiwatig na ipinapakita ng tao batay sa sitwasyong kinabibilangan
nito.Alam niyo ban a napakahalaga talagang makipag interaksyon sa iba?
Nagbabase din kase dito kung paano natin mapapakita ng mayo ang pakikipag
komunikasyon natin sa iba.
Alam naman
nating may mga halibawa na interaksiyon sa Internet gaya ng E-MAIL, INSTANT
MESSAGE,GROUP CHAT, FORUM at iba pa.
Pumunta naman tayo sa ARALIN 4 kung saan tinutukoy ang PERSONAL.
Ito
ay mula sa salitang personalidad,nabubuo ito habang sya’y nagkakaisip at
nagiging bahagi ng isang lipunan.Binubuo rin ito ng SANAYSAY AT MALIKHAING
SANAYSAY.May mga halimabawa rin ang malikhaing sanaysay gaya nang BIOGRAPIYA,
AWTOBIOGRAPIYA, ALAALA,TALA NG PAGLALAKBAY, PERSONAL NA SANAYSAY AT BLOG, may
bahagi din ng SANAYSAY ito ang PANIMULA KATAWAN AT ANG WAKAS.
Matapos na Aralin
4, syempre dumiretso na tayo sa ARALIN 5 ito’y tungkolsa IMAHINATIBO, nakikilala
angimahinatibong panitikan at iba’t ibang anyo nito.Nauunawaan din anggamit ng
wikang Filipino sa imahinatibong panitikan.
Halimbawa ng isang Imahinatibo
Sa
pagkaka alam ko ginagamit ang imahinatibong wika sa paglika,pagtuklas, at
pag-aliw.Inilarawan dito ang PANTASYA,MITO,ALAMAT,KUWENTONG-BAYAN at
SIYENSYIYANG PIKSIYON.
PUMUNTA NA
TAYO SA PANGHULING ARALIN ANG ARALIN 6 NA NAGLALAMAN NG HEURISTIKO AT
REPRESENTATIBO, naggagamit ang kasanayang pangwika sa presentasyon ng datos o
pag-uulat gamit ang POWERPOINT.
isang paraan ng paglalahad ng impormasyon maaaring
pagsasamahin dito ang mga teksto, tsart, animations at marami pang iba. Isa rin
sa mga natutunan namin ay ang paggamit ng mga PANANDA para sa kohesiyong
gramatika.Ang
PANANDA ay nakakatulong upang magkakaroon ng kohesiyon o kaisahan ang
paglalahad. Ito ay nahahati sa apat: Una ay ang ANAPORA kung saan ito ay isang
panghalip na ginagamit upang tukuyin ang naunang nabanggit na pangngalan o
paksa. Pangalawa ay ang KATAPORA na isa ring panghalip na unang ginagamit sa
pangungusap bago banggitin ang pangngalan o paksang tinutukoy. Pangatlo ay ang
PANGATNIG kung saan ginagamit ito upang maging suwabe.
AT NGAYON NATAPOS NA TAYO SA YUNIT 2, DUMARETSO NA TAYO SA YUNIT 3.
MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS
Ang PANGMASANG MEDIA O MASS MEDIA ang
tawag sa pinakamaimpluwensiyal at pinakamakapangyarihang institusyon sa ating
lipunan. Nadagdag
bilang panlimang kasanayang pangwika ang PANONOOD. Ito ay proseso ng pagbasa,
pagkuha at pag-unawa ng mensahe mula sa palabas. Ito rin ay binubuo ng apat na
uri: TANGHALAN O TEATRO kung saan live na mapapanood ang pagtatanghal sa
teatro. PELIKULA naman kung saan napapanood natin ang isang kuwento sa sinehan.
Tulad lang ito ng tanghalan ngunit ang pelikula ay ang pag-arte ng mga tauhan
ay nirekord gamit ang kamera. Sunod ay ang TELEBISYON,at ang YOUTUBE kung saan dito inuupload ang kanyang personal videos at maaari na
itong mapanood ng mga tao. Tayo ay nasa panahong 21st century kung saan
lumaganap ang Internet at paggamit ng mga gadget. Ang INTERNET ay mula sa
dalawang salitang inter at networking na kilala rin bilang malawakang daluyan
ng impormasyon.
Ang BLOG naman ay galing rin sa dalawang pinagsamang mga salitang web at
log. Ito ay isang pangngalan na tumutukoy sa isang website na maituturing naman
na isang blog dahil sa tema at mga nilalaman nito maaaring mga salita, litrato
at iba pang nais ng blogger.
HANGGANG SA MULI MGA KAIBIGAN!! DITO LANG MUNA TAYO!!











Walang komento:
Mag-post ng isang Komento