Huwebes, Setyembre 26, 2019

        

KATOTOHANAN AT PAGPAPAKITA SA ISANG MAHUSAY NA BUHAY

             Nais kong ipabigay-alam na ang kagandahan ay ang pagsasama ng mga katangian, tulad ng kulay o form nanakalulugod sa mga aesthetic  senses lalo na ang paningin. Maari tayong magkaroon ng higit na pagtitiwala sa pamamagitan ng pagiging maganda sa loob at labas. Dumating ang kagandahan at sa huli ay sumasalamin sa ating mga pananaw, pag-unawa,konsepto , at paglitaw. Lumalabas ito nang natural, nagpapakita ito ng kamang-hamanghang, at gumagana ito sa bata at matanda , walang asawa o may asawa,maybahay o manggawagawa, nais natin maging maganda tulad ng lagi. Karamihan sa mga babaeng may asawalalo na ang mga maybahay ay nag-iisip na ang pagiging maganda at sunod samoda ay hindi prioridad sa lahat.Malaking pagkakamali iyon! Ang mga babaeng may asawa ay dapat panatilihing maganda ang kanilang sarili ngunit hindi sa walang kabuluham. Kahit na mommies na sila; maari parin nilang pamahalaan upangmaging napakarilag at kaakit-akit safashion! Paano? Sundin  nyo ito at gagabayan ka nang lubusan  sa kung paano panatilihing maganda ang sarili sa isang napaka-simpleng paraan nang walanh labis na paggastos sa pera.


NANGUGUNANG 3 MGA TIP SA PAGPAPAGANDA


    BALAT












 ·         Alagaanang iyong balat sa pamamagitan ng malumanay na paghuhugas nito ng isang banayad na sabon, facial wash o anumang paglilinis na sangkap na komportable ka sa paggamit

 ·         Para sa mga may sensitibong balat, huwag gamitin ang produkto kaagad nang hindi sinubukan itong 24-48 na oras upang maiwasan ang pagkasira ng balat.

      ·         Bago mag-apply ng pampaganda, maari kag mag-aply ng moisturizer,cream na nagpipigil sae dad o labis na virgin coconut oi. Massage ito nang lubusan at malumanay sa isang pabilog na paggalaw.


·       ·         Huwag ilantad ang iyong balat sa sobrang sikat ng araw. Laging magsuot ng sunscreen lotion o cream upang maprotektahan ang iyong balat mula sa mga sinag ng UV.
  •            Maging palaging masigasig sa paggamit ng anumang mga produkto sa iyong balat.




MATA


*Kailangan mong magkaroon ng sapat na pagtulong ng hindi bababa sa 8 oras
*Kungang  iyong mga mata ay sobrang pagod mula sa trabaho, maglagay ng isang maliit na sukat ng pipino sa paligid ng iyong mga mata.
*Kumuha ng mga suplemento ng bitamina  A  o anumang prutas o gulay na may mataas na mapagkukunan ng bitamina A upang mapanatiling kumikinang ang iyong mga mata
*·         Ang mga mata ay ang mga bintanan ng iyong mga kaluluwa , kaya napakahalaga na maging masaya.




LABI


·      *   Uminom ng hindi bababa sa 8 baso ng tubig araw-araw upang mapanatiling hydrated ang iyong mga labi.
*Maari ka ring mag-apply ng  lip-balm, lip moisturizer na may SPF dahil ang mga labi ay madaling kapitan ng sunog dahil sa kakulangan ng melanin
*·         Mahalagang Paalala …. Hindi gagamitng lipstick na MATTE, dahil maari itong labis na pagpapatayo!






·          Hanggang sa muli at kita kita tayo sa susunod ko naming na post, Pnatilihing maganda ang sarili pati na ang kalooban. 














MGA KAALAMAN

ourblogME.com

           
MGA NATUTUNAN SA FILIPINO 1

Tayong mga estudyante ay pumupunta sa paaralan para  maraming matutunan . Itong gagawin kong blog ay para sa mga natutunan kong aralin sa aming asignatura  na Filipino, kaya magsimula tayo sa Yunit 1. Ang yunit 1 ay  tungkol sa MGA KONSEPTONG PANGWIKA. Sa yunit na ito ay may apat na aralin, magsimula tayo sa aralin 1,ang aralin 1 ay tungkol sa WIKA, KOMUNIKASYON AT WIKANG PAMBANSA , natutukoy dito ang mga kahulugan nga mga konseptong pangwika, naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,panana,at mga karanasan.WIKA alam natin na ang wika ay pinakamahalaga sa atin at sa ating lipunan.Malaki ang tungkulin ng wika sa pakikipag-unawaan at pakikisalimuha ng tao sa kaniyang tahanan,paaralan,pamayanan,at lipunan.Ito pala ay isang Sistema na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao.


May LIMANG DALUYAN NGA PAGPAPAKAHULUGAN, ito ay ang SIMBOLO,TUNOG,KODIPIKADONG PAGSULAT,GALAW at ang KILOS.Bigyan natin ito ng halaga at mas importante na may malaking kalaaman tayo tungkol sa mga ito.Mayroon ding 6 na GAMIT NA WIKA, ang GAMIT SA TALASTASAN,LUMILINANG NG PAGKATUTO, SAKSI SA PANLIPUNANG PAGKILOS,LALAGYAN O IMBAKAN,TAGPAGSIWALAT NG DAMDAMIN AT ang panghuli naman ay GAMIT SA IMAHINATIBONG PAGSULAT.Mahalaga ang gamit ng mga wika dahil mismo ang wika ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao..Sa Yunit na ito mayroon din itong, KATEGORYA AT KAANTASAN NG WIKA, nahahati ito sa dalawang kategorya: pormal at di pormal. Ang PORMAL ay kinikilala at ginagamit ng higit na nakakarami, ang DI-PORMAL naman ay karaniwang ginagamit sa akdang pampanitikan.Maswerte akong nalaman ko rin ang mga antas ng wika dahil madalasan ko tong ginagamit higit pa na may kaalaman na ako tungkol dito.
KOMUNIKASYON
Matapos na tayo sa wika punta naman tayo sa 


ito ay nagpapahayag,paghahatid o pagbibigay impormasyon sa mabisang  paraan, proseso din ito nga pagbibgay at pag tanggap.Kung may antas nga wika, may tinatawag din tayong ANTAS NG KOMUNIKASYON , ito ang INTRAPERSONAL(komunikasyon sa sarili),INTERPERSONAL(komunikasyon pagitan sa dalawa) AT ORGANISASYONAL (komunikasyon sa loob nga organisasyon). Mayroon ding MODELO ANG KOMUNIKASYON , ito ang tagapagdala (sender) tsanel (channel)mensahe (message) tagatanggap(receiver) reaksiyon (feedback)





Mayroon ding TATLONG URI NG KOMUNIKASYON, ito yung KOMUNIKASYONG PAGBIGKAS, KOMUNIKASYONG PASULAT AT PAKIKIPAGTALASTASAN SA PAMAMAGITAN NG KOMPYUTER. Lahat ito ay natutunan ko sa Yunit 1 matapos nito marami nang tanong na umaaligid sa ispi ko, Paano kung walang wika? Paano magkakaunawaan ang mga tao sa isang lipunan? Paano magkakaunawaan ang bawat miyembro ng pamilya? Mapabibilis kaya ang pag-unlad ng komunikasyon? Napapaisip ako na mahalaga talaga ang wika at komunikasyon at ang mga kahulugan nito. 

 Matapos na tayo sa Aralin 1 sa Yunit 1 pumunta naman tayo sa Aralin 2 na nag lalaman ng UNANG WIKA,BILINGGUWALISMO,AT MULTILINGGUWALISMO SA KONTEKSTONG PILIPINO. Natutukoy ang mga pag-aaral na tumatalakay sa kahalagahan ng paggamit ng unang wika.Isang lingguwiastikong realidadang pagkakaron ng maraming wika. Sa madaling salita, realidad ang tinatawg na multilingguwalismo sa ating bansa.Ang wikang Filipino ay binubuo ng marmaing wika mula sa kasalong wika (binisaya,Iloko,Kapangpangan at iba pa). UNANG YUGTO NG WIKANG TAGALOG (TAGALOG-1) unang pinangalanang wikang pambansa noong 1935. IKALAWANG YUGTO NG WIKANG TAGALOG (TAGALOG-2) unang ginawang pang-akademikong asignatura noong 1940.Mabuti nang may kaalaman tayo kung saan galing ang wika at kalian ito na obserba, malalaman din natin ang mga iba’t ibang gamit sa iba’t ibang bansa.Pumunta naman tayo sa ARALIN 3 na nagalalaman ng LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD AT URI NG WIKA.Dito ko rin naunawaanang pag-iral ng lingguwistikong komunidad at dito naglalaman ang konsepto ng sosyolek,idyolek,diyalekto,at rehistro ng wika.Naglalaman din ito ng MGA SALIK SA LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD, ito ang MAY KAISAHAN SA PAGGAMIT NGWIKA AT NAIBABAHAGI ITO SA IBA,pangalawa ang NAKAPAGBABAHAGIAT MALAY ANG KASAPI SA TUNTUNIN NG WIKA AT INTERPRETASYON NITO at ang panghuli naman ayang MAY KAISAHAN SA PAGPAPAHALAGAAT PALAGAY HINGGIL SA GAMIT NG WIKA.. Ipinapalagay nito na ang lingguwistikong komunidad ay umiiral lamang sa sector at grupo (homogeneous) Mga halimbawa nito ay SEKTOR, GRUPONG PORMAL, GRUPONG IMPORMAL, YUNIT. Sa aralin din na ito mayroon din tayong tinatawas na SOSYOLEK ginagamit sa isang pangkat at ang IDYOLEK naman ay espesipikong paraan sa pagsasalita, tapos ang DIYALEKTO naman ang pangunahing na nagbabago at ang panghuli ay ang rehistro ito ang ginagamit na wika ng inhinyero.Sa mga naalala ko hanggang diyan lang ang aralin 3, pumunta nman tayo sa ARALIN 4 ang huling aralin dito sa YUNIT 1.


Ang Aralin 4 ay nagalaman ng KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA AT TANG FILIPINO BILANG WIKANG GLOBAL, dito nagbibigay opinyon o pananaw kaugnay ng mga napakinggang pagtatalakay sa wikang pambansa, nalaman ko din dito ang kasalukuyang hamon ng wikang Filipino dulot ng reporma sa edukasyon.. Sa aralin na ito tinalakay naming ang UGNAYANG WIKA, KASAYSAYAN, AT LIPUNAN pati na rin ang KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA. Sa aralin na ito dito natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang pambansa, at diyan nagtatapos an gating ARALIN 4.


Dito na tayo sa  YUNIT 2 na naglalaman nang MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN. Sa yunit na ito , naglalaman ng 6 na Aralin, syempre mangunguna tayo sa ARALIN 1 ito’y tungkol sa BILANG INSTRUMENTO natatalakay dito ang gamit ng Filipino sa patalastas at paghahayag ng saloobin, at nawiwili sa pagbuo ng patalastas na nagtatampok sa mga pagpapahalaga.


Ang pagpapahayag ng damdamin,direktang pag-utos at pagtuturo ay maituturing nating instrumental.Isa sa mga halimbawa ng instrumental ang LOKUSYONARYO, ILOKUSYUNARYO at PERLUKOSYUNARYO, meron din tayo niyan sa English subject at tinatawag itong speech acts.




Tapos ang ARALIN 2 naman na nagbabahagi ng REGULATORYO, dito nauunawaan ang bias ng wika sa regulatoryong pangkomunikasyon, ito ay nagtatakda, nag-uutos,nagbibigay-direksiyon sa atin bilang kasapi. May tatlong klasipikasyon ng wika ayon sa regulatoryong bisa ito BERBAL, NASUSULAT NAKALIMBAG AT BISWAL, at ang DI-NASUSULAT NA TRADISYON.Mayroon din ilang halimbawa ng regulasyon o ito’y tinatawag nating batas. Ito ang KONSTITUSYON, BATAS REPUBLIKA,ORDINANSA,POLISIYA AT PATAKARAN NG REGULASYON. Masasabi kong hanggang diyan lang ang ARALIN 2.
Dumiretso naman tayo sa ARALIN 3. Ang ARALIN 3 ay tungkol sa INTERAKSIYONAL, natutukoy dito ang mga berbalat di-berbal na pahiwatig na ipinapakita ng tao batay sa sitwasyong kinabibilangan nito.Alam niyo ban a napakahalaga talagang makipag interaksyon sa iba? Nagbabase din kase dito kung paano natin mapapakita ng mayo ang pakikipag komunikasyon natin sa iba.


Alam naman nating may mga halibawa na interaksiyon sa Internet gaya ng E-MAIL, INSTANT MESSAGE,GROUP CHAT, FORUM at iba pa.

Pumunta naman tayo sa ARALIN 4 kung saan tinutukoy ang PERSONAL.
Ito ay mula sa salitang personalidad,nabubuo ito habang sya’y nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan.Binubuo rin ito ng SANAYSAY AT MALIKHAING SANAYSAY.May mga halimabawa rin ang malikhaing sanaysay gaya nang BIOGRAPIYA, AWTOBIOGRAPIYA, ALAALA,TALA NG PAGLALAKBAY, PERSONAL NA SANAYSAY AT BLOG, may bahagi din ng SANAYSAY ito ang PANIMULA KATAWAN AT ANG WAKAS.


Matapos na Aralin 4, syempre dumiretso na tayo sa ARALIN 5 ito’y tungkolsa IMAHINATIBO, nakikilala angimahinatibong panitikan at iba’t ibang anyo nito.Nauunawaan din anggamit ng wikang Filipino sa imahinatibong panitikan.


Halimbawa ng isang Imahinatibo

Sa pagkaka alam ko ginagamit ang imahinatibong wika sa paglika,pagtuklas, at pag-aliw.Inilarawan dito ang PANTASYA,MITO,ALAMAT,KUWENTONG-BAYAN at SIYENSYIYANG PIKSIYON.



PUMUNTA NA TAYO SA PANGHULING ARALIN ANG ARALIN 6 NA NAGLALAMAN NG HEURISTIKO AT REPRESENTATIBO, naggagamit ang kasanayang pangwika sa presentasyon ng datos o pag-uulat gamit ang POWERPOINT.







isang paraan ng paglalahad ng impormasyon maaaring pagsasamahin dito ang mga teksto, tsart, animations at marami pang iba. Isa rin sa mga natutunan namin ay ang paggamit ng mga PANANDA para sa kohesiyong gramatika.Ang PANANDA ay nakakatulong upang magkakaroon ng kohesiyon o kaisahan ang paglalahad. Ito ay nahahati sa apat: Una ay ang ANAPORA kung saan ito ay isang panghalip na ginagamit upang tukuyin ang naunang nabanggit na pangngalan o paksa. Pangalawa ay ang KATAPORA na isa ring panghalip na unang ginagamit sa pangungusap bago banggitin ang pangngalan o paksang tinutukoy. Pangatlo ay ang PANGATNIG kung saan ginagamit ito upang maging suwabe.




AT NGAYON NATAPOS NA TAYO SA YUNIT 2, DUMARETSO NA TAYO SA YUNIT 3.
MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS




Ang PANGMASANG MEDIA O MASS MEDIA ang tawag sa pinakamaimpluwensiyal at pinakamakapangyarihang institusyon sa ating lipunan.Nadagdag bilang panlimang kasanayang pangwika ang PANONOOD. Ito ay proseso ng pagbasa, pagkuha at pag-unawa ng mensahe mula sa palabas. Ito rin ay binubuo ng apat na uri: TANGHALAN O TEATRO kung saan live na mapapanood ang pagtatanghal sa teatro. PELIKULA naman kung saan napapanood natin ang isang kuwento sa sinehan. Tulad lang ito ng tanghalan ngunit ang pelikula ay ang pag-arte ng mga tauhan ay nirekord gamit ang kamera. Sunod ay ang TELEBISYON,at ang YOUTUBE kung saan dito inuupload ang kanyang personal videos at maaari na itong mapanood ng mga tao. Tayo ay nasa panahong 21st century kung saan lumaganap ang Internet at paggamit ng mga gadget. Ang INTERNET ay mula sa dalawang salitang inter at networking na kilala rin bilang malawakang daluyan ng impormasyon.






Ang BLOG naman ay galing rin sa dalawang pinagsamang mga salitang web at log. Ito ay isang pangngalan na tumutukoy sa isang website na maituturing naman na isang blog dahil sa tema at mga nilalaman nito maaaring mga salita, litrato at iba pang nais ng blogger.





HANGGANG SA MULI MGA KAIBIGAN!! DITO LANG MUNA TAYO!!